Sunday, December 2, 2007

Ano Ang Kinakailangan Kung Gawin Upang Maligtas?

Ano Ang Kinakailangan Kung Gawin Upang Maligtas?
ANG KATANONGAN

Ito ang pinakamahalagng katanongan na dapat itanong. Ito’y mahalaga sapagkat ang ginagawa mo sa kasalukuyan ay siyang nagtatadhana kung anong uri ng buhay mayroon ka pagkatapos ng buhay na ito tungo sa kawalang-hanggan. Kung matiyaga kang manaliksik upang tuklasin ang kasagutan ng nasabing katanongan at ito’y iyong gagawin, ay hindi ka magsisisi.

MARAMI ANG NANGAWALA
Nakakalungkot, mangilan-ilan lang ang nagtatanong nito. Karamihan ay abalang-abala sa araw-araw na gawain sa buhay. Itinuro ni Jesus na marami ang mangawala. Sinabi Nya, “malapad ang daang patungo sa pagkapahamak at marami ang doo’y nagsisipasok.” (Matt. 7:13).

BABALA!!!
Marami ang matapat at may magagandang hangarin ang nakahandang sagutin ang katanongang ito para sa inyo. Ngunit mag-ingat, si Jesus ay may babala, “..kung ang bulag ay umakay sa bulag ay kapwa silang mangahulog sa hukay.” (Matt. 15:14). Ang kawalang-hanggang hantungan ng inyong kaluluwa ay nanganganib! Kinakailangang hanapin sa biblia ang kasagutan sa napakahalagang katanongan.

ANG PINAGMULAN
Ang tanging mapagkakatiwalaan pinagmumulan ng mga paksa sa religion ay ang salita ng Dios.---ang Biblia. Matiyagang saliksikin upang makakasigurong maiintindihan ang dapat gagawin sa ikaliligtas. Sa aklat ng Mga Gawa ay itinala ang maraming halimbawa sa mga tumanggap kay Jesus bilang Panginoon. Ang pag-aaral sa mga nabanggit na halimbawa ay makakatulong upang ganap na mauunawaan ang mga dapat gagawin.

MAGING MAINGAT
Habang pinag-aaralan ang biblia, ay maingat pansinin ang sinasabi nito. Hindi sinabi ng Biblia, “Manampalataya ka lamang kay Jesus-Cristo” Hindi rin sinabi ng Biblia, “:Dasalin ang dasal ng mga makasalanan.” Pansinin din na ang nasa kay Cristo ay hindi pinayuhan magdasal upang maligtas. Ang kaisipang ito ay nagmumula sa tao hindi sa Dios. Huwag palinlang sa mga palagay ng tao.

ANG TAGAPAMAHALA NG BILANGGUAN SA PILIPOS
Nagtanong ang tagapamahala ng bilangguan, “Ano ang kinakailangan kong gawin upang maligtas?” Sinabi ng mga Apostol, “Manampalataya ka sa Panginoong Jesu-Cristo at maligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan.” (Gawa 16:30-31) Pinangaralan siya nina Pablo at Silas at sa gabing din iyon ay nabautismuhan kasama ang kasambahay. Matapos silang mabautismuhan ay nangagalak silang lahat sapagkat sumampalataya sila sa Dios. (Gawa 16:34) Ang pagsasampalataya ay kasama ang pagsunod. Inililigtas ni Jesus yaong mga sumusunod sa Kanya. “…siya ang gumawa ng walang hanggang kaligtasan ng lahat na nagsisitalima sa kanya.” (Heb. 5:9)

ANG BILIN
Napakahalagang pansinin na nagsalita sila Pablo at Silas ng salita ng Dios sa tagapamahala ng bilangguan. (Gawa 16:32-33). Naintindihan ng Tagapamahala na ang kapatawaran ng kasalanan ay nagmumula sa mga salita ng Dios. Naintindihan din niya na ang bawat tumanggap kay Jesus bilang Panginoon ay nangabautismuhan. (Gawa 16:33). Ito ay bilang pagsunod kay Cristo. Ang ganon din bilin ay ipinahayag sa mga ibat-ibang pagkakataon. Tunghayan sa Gawa 10:48; 16:15; 18:8; 22:16,Roma 6:3-4; Galacia 3:26-27 at Colosas 2:12.

ANG SUSI—PANANAMPALATAYA
Ang “Ebanghelio Ayon kay Juan” (The Gospel According to John) ay isinulat upang sumampalataya. Inihayag ang kasaysayan ni Cristo, kasama ang mga patunay na si Jesus na Nszareno ay Cristo, ang anak ng Dios. Kung sumampalataya kang siya ang Cristo. ay malugod mong tinatanggap Siya bilang Panginoon sa masunuring pananalig. Ipinagdiinan ni Jesus ang kahalagahan ng ganon uri ng pananampalataya noong kanyang sinabi, “Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas datapuwa’t ang hindi sumampalataya ay mapaparusahan.”( Marcos 16:16).

Kung sumampalataya ka ay sundin mo si Jesus bilang Panginoon kung hindi ka susunod ay hindi ka maliligtas. Naniniwala ka bang binuhay na maguli ng Dios si Jesus mula sa mga patay? Ipapahayag mo ba Siya sa iba? Magpabautismo ka ba sa ikakapatawad ng inyong mga kasalanan alinsunod sa Kanyang mga turo?

ANO ANG MAGAGAWA MO?
Maari mong tanggapin ang kapatawaran ni Cristo sa pagsunod sa Kanyang mga bilin. (Mateo 7:21; Juan 14;15; 15:10-14; Lukas 6:46) Tunghayan ang mga halimbawa kung papaano maging Cristiano ayon sa banal na kasulatan. Ang pakikinig sa ebanghelio upang magkakaroon ng pananampalataya. (Roma 10:17). Pagsisisi (paglayo) sa mga kasalanan. (Lukas 13:3; Gawa 17:30). Isusunod ang paghahayag na si Jesus ay anak ng Dios (Roma 10:9-10) Ang sumampalataya ay mabautismuhan kay Cristo sa ikapagpapatawad ng kasalanan. (Gawa 2:38; Galacia 3;27; Colosas 2:12; Marcos 16:16; Rolma 6:3-5; 1 Pedro 3:20-21) Sila na nabautismuhan sa Kanyang pangalan ay ibinihis si Cristo (Galacia 3:27) at idaragdag sa Kanyang kaharian na walang iba kundi ang Iglesia (Gawa 2:47). Ang mga Cristiano ay pinayuhang magsipanatiling matibay hanggang kamatayan upang tanggapin nila ang putong ng buhay na ipinangako ng Panginoon. (Gawa 2:42; Apocalipsis 2:10)

BINABATI KA NAMIN
Bilang pagsunod sa mga turo ng Banal na Kasulatan, ang mga kasapi ng katawan ni Cristo (Iglesia) ay nagkatipon-tipon tuwing unang araw ng sanglinggo upang magsamba, pasiglahin ang pananampalataya, at upang pag-aralan ang mga salita ng Dios. Ang katipunan ng mga Cristiano sa inyong pook ay inaanyayahan ka upang sama-samang suriin ang biblia. Sa diwa ng pagmamahalan bilang magkakapatid kay Cristo, ay hanapin natin kung papaano mapagkasundo ang hindi natin pagkakaunawan sa pamamagitan ng pagtalima sa biblia LAMANG. Kinikilala natin ang biblia bilang pinasiglang salitang ng Dios. ang TANGING mapagkakatiwalaan pamantayan ng pananampalataya at kadalubhasaan. Hangad naming ang pagkakaisang ipinalangin ni Cristo at binigyan-diin ng Biblia sa pagpapahayag ng, “Isang Panginoon, Isang Pananampalataya, Isang bautismo.” Samasama nating pagsikapang itaguyod “ang pagkakaisa sa buklod ng kapayapaan.”

Ang magiliw naming pagbati ay naghihintay sa iyo. Maaaring manibago ka sa unang pagkakataon dahil sa kakaibang uri ng pagsamba iyong matutunghayan, dahil dito ay hindi naming hangad na kayo ay mapahiya sa ano mang kaparaanan. Hindi kami humihiingi ng anomang abuloy. Binabati naming kayo sa hangarin makinig at pag-aralan ang mga banal na salita ng Dios.

Presented by:

EDUARDO O. DANAO
ed_organ_danao@yahoo.com
Philippines

Or contact Dennis at e-mail BibleTruthsToU@gmail.com Please contact either of us if you have any comments, or suggestions, or would like to help translate Bible truths into Tagalog from English.

Read more!

Did you find this information helpful?

About Me

My photo
At one time I was an Agnostic/atheist, not much caring if God existed or not. Then one day I was challenged to examine the evidences of God and the Bible. These are the basic truths I as "Just a Christian" am trying to share with others on these blog-sites: 1) To provide the “evidences” for God and the creation, the infallibility of the Scriptures, and for Jesus Christ as the Lord and savior of mankind. [Hebrews 11:1] 2) To reach the lost with the complete Gospel of Christ and salvation. [Romans 1:16; 2:16; 5:19-20; Galatians 1:7; 2 Thessalonians 1:8-9] 3) To help Christians to grow in their knowledge and faith and the grace of God, and commitment to following Christ. [1 Peter 2:2] 4) To promote and defend the unity of church and the doctrine of Christ. [Mark 7:7-9; John 10:16; Ephesians 4:4-5; 1 Corinthians 1:10] Please e-mail me at BibleTruths@hotmail.com with any comments or suggestions. Thanks, DC